Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 bata ‘nilamon’ ng Taal Lake

0 78

Nauwi sa trahedya ang masayang pagsi-swimming ng limang bata sa Balete, Batangas nitong Martes, Mayo 3.

Ayon sa incident report ng Philippine Coast Guard (PCG), naligo ang mga biktimang sina Jaime Rose Ann Jacutan, 12-anyos; Kiel Zackary Pasaron, 10; Sherin Ashtrid dela Rosa, 8; Kurtney Prian Presas, 8, at Rodney Mark Delarosa, 7, sa Barangay Looc, na sakop ng Taal Lake ngunit biglang naglaho.

Hindi pa batid kung may kasamang adult ang mga biktima, na pare-parehong residente ng Barangay Sto. Toribio, Lipa City.

SM food to go Banner Ad

Sa update ng PCG, bandang alas-5:05 nitong hapon narekober ng kanilang search and rescue team ang wala nang buhay na si Sherin Ashtrid, humigit-kumulang 10 metro ang layo mula sa baybayin at humigit-kumulang 15 talampakan sa ilalim ng tubig.

Alas-5:15 naman ng hapon nang makuha ang bangkay ni Jaime Rose sa parehong lugar.

Dinala na ang mga labi nila sa San Fernando Funeral sa Barangay Marawoy, Lipa City. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.