Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 bayan sa Rizal, Antipolo kinilala kontra droga

0 72

Kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Lungsod ng Antipolo City at lima pang bayan sa lalawigan ng Rizal dahil patuloy nitong adhikain at pakikiisa sa pamahalaan kontra sa iligal na droga.

Pinarangalan ang Antipolo sa ginanap na 2020 National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards “for their efforts in ensuring drug-free communities” by complementing the national government’s anti-illegal drugs program through their local ADACs.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa Antipolo, kinilala rin ang limang bayan sa lalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Governor Nini Ynares. Ang mga ito ay ang Angono, Baras, Morong, Pililla at Tanay.

“Isa pong karangalan ang ibinigay na pagkilala ng DILG sa pangunguna ni Secretary Año. Kami po ay nagagalak at nabigyang pansin ang aming patuloy na pakikipaglaban kontra sa droga, katuwang ang Philippine National Police sa Antipolo, at Rizal Provincial Police,” pasasalamat ni Mayor Ynares.

“I’d like to commend the awardees for setting a good example for the LGUs and for sustaining your anti-drug efforts, despite the trials brought about by COVID-19…you have nurtured your areas to remain steadfast for families to be safe,” pahayag naman ni Sec. Año.

Leave A Reply

Your email address will not be published.