Abante Tonite Interactive

5 BFP regional director itinaas ng ranggo

285

Itinaas ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduar­do Año sa ranggong chief superintendent na katumbas ng one-star rank ang limang Regional Directors (RDs) ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Kabilang sa newly-promoted officers sina Chief Supt. Wilberto Rico Neil Ang Kwan Tiu, Chief Supt. Samuel Cataniag Tadeo, Chief Supt. Jorge Bacricio Fariñas, Chief Supt. Lindy Cinco Lauzon, at Chief Supt. Maria Sofia Bayona Mendoza.

Nanumpa ang mga naturang opisyal kay Año sa isang sere­monya na sinaksihan ni DILG Undersecretary for Public Safety Nestor Quinsay, Jr., mga senior officials ng BFP sa pangunguna ni Fire Chief Director Leonard Bañago at Deputy Chief for Operation CSupt. Jose S. Embang, Jr. , gayundin ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Officer-in-Charge CSupt. Allan Iral at Deputy Chief for Operation CSupt. Ruel Rivera, sa DILG-NAPOLCOM Center sa Quezon City.

Abante Hiring – IT dep

“This ceremony is a living proof that go­vernment recognizes each employee’s dedication to the call of duty and inspires other­s to be responsible and excellent in the delivery of services to the people,” ani Año.

Kasabay nito, pinaalalahanan naman ng kalihim ang mga promoted officers na maging responsable sa kanilang tungkulin dahil kaakibat aniya ng kanilang promosyon ang mas mabigat na responsibilidad.

“With greater power comes greater responsibility,” ayon pa kay Año, at inihalintulad ang mga bumbero sa fictional superhero na si Spiderman, na umaakyat ng mga gusali upang magligtas ng buhat at labanan ang mapaminsalang sunog.

Nabatid na si Kwan Tiu ang siyang RD ng BFP National Capital Region (NCR); si Tadeo naman ang RD ng BFP Region III, habang si Fariñas ang RD ng BFP Region I.

Si Lauzon naman ang RD ng BFP Region X at si Mendoza, na nag-iisang babaeng opisyal na pinarangalan, ang RD ng Cordillera Administrative Region (CAR) at ikalawang babae na may ranggong Chief Superintendent sa Bureau. (Dolly Cabreza)