Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 bida ng ‘Hospital Playlist’ nag-reunion

0 259

Magandang balita para sa mga naghihintay sa second season ng Korean medical/musical drama na “Hospital Playlist.”

Totoo ngang may season 2 . Noong April 15 ay dumating ang lahat ng mga original cast ng drama. Kumpleto ang limang bida na sina Jo Jung Suk, Yoo Yeon Seok, Jung Kyung Ho, Kim Dae Myung at Jeon Mi Do para sa kanilang script reading.

Nandoon din ang iba pang cast mula pa sa first season kaya parang nagsilbi na rin nilang reunion ang script reading.

Nagulat din sila dahil biglang lumaki raw ang child actor na si Kim Jun (anak sa drama ni Jo Jung Suk) from the first season na nakasama nila.

Masaya rin ang director na si Shin Won Ho sa pagsasama at muling pagsisimula ng filming ng Hospital Playlist. Ayon dito, “The simple and everyday stories that we have told until now will be drawn out with even more warmth and depth.”

Ang Hospital Playlist ay napanood sa Netflix at isa ito sa mga drama noong isang taon na maraming nagkagusto .

Actually, panay ang tanong ng mga netizen kung kailan na ang second season.

Finally, sa June 17 na nga ang pilot nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.