Abante Tonite Interactive

5 BIFF bulagta sa Maguindanao clash

By
2,922

Limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay matapos ang naganap na engkuwentro laban sa mga teroristang grupo sa magkahiwalay na lugar sa Maguindanao at Midsayap, North Cotabato na ikinasugat din ng tatlong sibilyan na naipit sa labanan, ayon sa ulat ng opisyal ng Philippine Army (PA) kahapon.

Ayon kay Brig. Gene­ral Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng PA, unang naganap ang engkuwentro dakong alas-8:20 ng gabi kamakalawa nang tangkaing lusubin ng mga teroristang grupo ang isang army detachment sa Barangay Meta Datu Unsay, Maguindanao.

Tatlong miyembro ng BIFF ang nasawi sa nabatid na labanan habang wala namang naiulat na sugatan o nasawi sa panig ng mga sundalo.

Dakong alas-kuwatro naman ng madaling-araw kahapon ng muling sumiklab ang labanan ng dalawang panig sa Barangay Ulandang sa Midsayap, North Cotabato kung saan dalawa pang BIFF ang napatay sa halos isang oras na labanan.