Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 bulagta sa bentahan ng boga

0 98

Limang miyembro ng isang illegal gun-dealer group ang napatay ng pulisya sa isang engkwentro matapos ang bigong buy-bust operation ng Pampanga police laban sa grupo, Biyernes ng gabi sa Barangay Victoria, Mexico, Pampanga.

Ayon kay Col. Arnold Ibay, director ng Pampanga Provincial Police Office, dalawa sa napatay ay sina Mark Lester Lopez, tubong Laoag City, Ilocos Norte at Marvin Cunanan, ng Magalang, Pampanga.

Bigo naman ang mga imbestigador na kilalanin ang tatlong napatay na suspek.

Ikinasa ang entrapment operation matapos makumpirma ang ilegal na gawain ng mga suspek hinggil sa pagbebenta umano ng mga baril na walang dokumento.

Bago ang buy-bust, natunugan umano ng mga suspect na isang undercover cop ang kanilang kausap. Dito na bumunot ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang ka-deal subalit nakapag-cover ito at hindi tinamaan.

Agad nang gumanti ng putok ang kasamahang pulis na humantong sa madugong engkwentro at ikinasawi ng lima.

Dumating naman ang operatiba ng SOCO mula Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga.

Nakumpiska sa mga nasawi ang 4 na 9mm pistol at 1 homemade cal. 45 pistol, magazine at mga bala. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.