Abante Tonite Interactive

5 Calabarzon gov nagkaisa

0 178

Nagwakas na rin ang noon ay magkakahiwalay na paniniwala ng limang gobernador at nagkaisang magpahayag ng paniniwala na sumuporta sa isang kandidato na malaki ang ginagawang tulong sa kanila.

Kaya naman sama-samang nagpahayag ng suporta ang limang gobernador ng Calabarzon sa kandidatura ni dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go sa kanyang pagtakbo sa dara­ting na midterm election.

Sa dalawang pahinang manifesto na pinangunahan ni Quezon Governor Dave Suarez, kasama sina Cavite Gov. Crispin Bo­ying Remulla, Laguna Gov. Ramil Hernande, Batangas Gov. Hermilan­do Mandanas, at Rizal Gov. Rebecca Ynarez na iniha­yag kahapon sa Shang­rila Hotel sa Mandalu­yong City, nakasaad na ang kanilang suporta ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga tulong na ipinagkaloob sa kanila ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa pamamagitan si SAP Bong Go.

Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Quezon Gov. Suarez na makasaysayan ang ginanap na okasyon dahil sa unang pagkakataon ay nagkaisa at nagkasama-sama ang limang gobernador ng CALABARZON para sa iisang layunin.

Bukod sa mga gobernador, kabilang din sa mga dumalo at nagpahayag ng suporta ang pangulo ng Liga ng mga alkalde, councilor’s league, Liga ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan.