Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 councilor nireklamo pinamigay na tablet sa Caloocan

0 82

“Maraming magulang at mga estudyante ang nagrereklamo sa tablets na ibinigay ng Caloocan City government dahil hindi maikonekta sa wifi, madalas nagha-hang at hindi magamit sa online classes nila.”

Ito ang magkakasamang pahayag nila Caloocan City Councilors Christopher PJ Malonzo, Maria Milagros Mercado, Alexander Mangasar, Ricardo Bagus at Marylou Nubla kasunod ng serye ng reklamong kanilang natatanggap matapos mamahagi ng mga outmodel Cherrymobile tablets ang pamahalaang lokal ng lungsod.

Ayon sa mga konsehal, wala na sa merkado ang Cherrymobile Cosmo 7 na binili ng Caloocan City government sa halagang P4,600 bawat isa gayong may mga mas mura subalit modelo at bagong labas ang kompanya.

“Iyong sa pamangkin ko nga hindi nagamit kasi bukod sa palaging nagha-hang, sobrang bagal, mas mabilis pa ang karera ng kuhol kaysa sa reaksiyon ng tablet sa mga command,” sabi pa ni Konsehal Mercado.

Kaugnay nito, muling nagpadala ng sulat ang mga konsehal kay Mayor Oscar Malapitan para hingin ang detalye ng biniling tablets at kung saan-saang eskuwelahan na ito naipamahagi.

Maging ang kumpletong pangalan ng kompanya at mga may-ari nito ay hiniling din ng mga konsehal na isumite ng alkalde sa lalong madaling panahon.

Binigyang-diin ng mga konsehal na noong Agosto 2020 pa inaprubahan ang P320 million para sa pagbili ng mga tablets subalit Enero 2021 na ay marami pa ring estudyante ang hindi pa nakakatanggap nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.