Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 COVID patient patay sa PGH kada araw

0 341

Limang pasyente kada araw ang pumapanaw sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa coronavirus disease sa nakalipas na dalawang linggo.

“Nakikita ko po sa aming census, every day po nagta-tally kung ilan ang namamatay, mga at least 5 patients po a day for the last 2 weeks po,” pahayag ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario sa Laging Handa public briefing nitong Miyerkoles.

May mga panahon pa aniya na mas mataas pa sa lima ang namamatay sa COVID-19, na umaabot ng pito hanggang 10 pasiyente.

“Mayroon pong times na mas mataas doon, mga 7 to 10. Pero or more less po mga 5 patients ang namamatay na dumadating o naka-admit na,” wika ni Del Rosario.

Sa ngayon aniya ay 220 sa 250 COVID-19 ward bed ng ospital ang okupado na habang puno na rin ang 30 kama sa intensive care unit nila gayundin ang 25 kama sa emergency room.

Karamihan umano ng mga pasyente ay malala o kritikal ang lagay. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.