Abante Tonite Interactive

5 dinakma, 1M nasamsam sa vote buying

0 306

Dinampot ng mga tauhan ng Army 1st Infantry Division ang limang political supporter ng kandidato at nakakuha ng higit P1 milyon sa Lanao del Norte at Zamboanga, dahil sa hinihinalang kaso ng vote buying.

Ayon kay Brig. Gen. Roberto Ancan, Army’s 1st Infantry Division commander, ang lima ay nadakma noong Linggo nang umaga sa Brgy. Bualan, Tubod, Lanao del Norte.

Nakuha sa mga ito ang P123,868 cash, sample ballot at mga campaign paraphernalia.

Samantala, narekober din ng tropa ng pamahalaan ang isang paper bag na naglalaman ng P1 milyong piso noong Sabado sa Brgy. Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur.

Ayon kay Lt. Col. Rufino de Leon, Army’s 97th Infantry Battalion commander, narekober ang nasabing halaga nang makatanggap umano sila ng impormasyon mula sa mga concerned citizen kaugnay ng nangyaring pagbili ng boto sa nasabing barangay.

“Our troops found the money believed to be left by the goons of an unidentified politician at the back of an abandoned house in the said barangay,” ani De Leon. (PNA)