Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 DOH exec pinarusahan

0 241

Dahil sa pagpapabaya sa kanilang tungkulin, pinatawan ng 6 buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman ang 5 executives ng Department of Health (DoH) dahil sa maanomalyang pagbili ng Personal Protective Equipment (PPEs) at delay sa pag-release nito.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, malinaw na may neglect of duty at inefficiency sa panig ng mga opisyal ng DoH.

Kabilang sa mga sinuspinde sina Administration and Financial Management Undersecretary Roger Tong; Health Policy and SystemsAssistant Sec. Kenneth Ronquillo; Administration and Financial Management Assistant Secretary Maylene Beltran; Administrative Services Director Laureano Cruz at Personnel Services Director Esperanza Carating.

Matatandaan na una nang nagsagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman kaugnay ng anomalya sa PPEs kung saan maraming healthworkers ang hindi agad nabigyan ng equipment gayong may pondo dito ang DoH na nagresulta para maraming healthworker ang na-COVID sa gitna ng pagtupad sa kanilang tungkulin. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.