Abante Tonite Interactive

5 doktor sa PCMC tinamaan ng dengue, 1 patay

By
430

Isang doktor sa Phi­lippine Children’s Me­dical Center (PCMC) ang namatay sa sakit na dengue habang nakaligtas naman ang apat pang medical staff nito na sinasabing nagtaglay din ng mosquito-borne disease, ayon sa ulat.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na namatay sa sakit na severe dengue si Dr. Sherie Pera Villacorta, na nakatalaga sa PCMC, isang pediatrics hospital sa Bagong Pag-asa, Quezon City, nitong Miyerkoles, Setyembre 19, 2018.

Sinabi ni DOH Usec. Eric Domingo, si Dr. Villacorta na naging mai­ngat sa kanyang sakit na diabetes ay hindi naman nakaligtas sa kagat ng lamok na nagtataglay ng dengue virus.

Batay naman sa inilabas na statement ng PCMC, dahil sa pangyayari ay mas pina­igting nila ang awareness at pagmo-monitor sa kanilang mga emple­yado at mga batang pasyente na naka-confine sa kanilang ospital.

“This month unfortunately, we had 5 doctors getting ill as well for dengue including the fellow we lost…. The rest have fully recovered. None received the dengue vaccine. Heightened awareness is key coupled with early and proactive clinical intervention as appropriate. Dengue is a serious disease that needs to be controlled through concerted efforts of everyone,” ayon kay PCMC spokesperson Dr. Sonia Gonzalez.

Kasabay nito, ayon sa DOH, dahil peak season ngayon kaya asahan ang pagdami ng kaso ng dengue kaya dapat umanong mag-­ingat ang publiko at gawin ang laging ipinapayo ng ahensiya upang maiwasan ang dengue outbreak.

Payo ng DOH sa publiko upang maiwasan ang pagkakaroon ng nakamamatay na sakit na dengue, kailangang alisin ang mga posibleng pamugaran ng lamok gaya ng stagnant water, gulong at palagiang paglilinis sa paligid; magsuot ng light colors na damit o long sleeves at pantalon at magpahid ng insect repellant sa katawan.

Nabatid sa DOH na umabot na sa 100,225 ang naitalang kaso ng dengue simula buwan ng Enero hanggang ngayong Setyembre 2018, na mas mataas kum­para noong taong 2017 na mahigit 94,000 ang naitalang datos sa bansa.