Abante Tonite Interactive

5 drug personality nasakote

329

Limang katao kabilang ang dalawang nasa drug watch list ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Pasay, Muntinlupa at Taguig City, Lunes nang madaling-araw.

Unang nasakote ang dalawang suspek na nakilalang sina Richard Dela Cruz y Portem alyas `OKZ’, 29, nasa drug watch list, residente ng Maricaban, Psay City; at Allan Magpantay y Marollano, 41, driver, na naninirahan din sa nasabing lugar

Dakong ala-una nang madaling-araw nang maaresto ang dalawa sa buy-bust operation at nahulihan ng 11 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 39.3 gramo.

Sa ulat naman ng Station Drug Enforcement Unit ng Muntinlupa City Police, dakong alas-12:00 ng hapon ng Abril 5, Linggo, nang maaresto rin sa buy-bust ang suspek na si Gloria Cunanan y Alboladora alyas `Glory’, sa Quezon St., Brgy. Poblacion at nahulihan ng isang gramo ng shabu.

Kasunod nito, dakong alas-tres ng hapon, nang arestuhin sa kanyang tahanan sa Tipas, Taguig ang isa pang suspek na si Noli De Leon alyas `Pogi’, 52, nasa drug watch list, at ang construction worker na si Aries Manosca y Flordeliza, 51, nakatira rin sa nasabing lugar.

Nakumpiska mula sa dalawa ang 11.4 gramo ng shabu, digital weighing scale, cellphone at nabawi ang buy-bust money.

Base sa report, tinatayang nasa P351,560 halaga o kabuuang 51.7 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek.

Kasalukuyan na nakakulong dahil sa kasong pagkabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Armida Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad