Abante Tonite Interactive

5 drug suspect sabay niratrat

518

Tadtad ng tama ng bala ng baril ang limang drug suspek nang matagpuang patay na sa loob ng isang bahay sa San Jose Del Monte, Bulacan kahapon nang umaga.

Ayon kay Bulacan Police Director Col. Chito Bersaluna, kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa pamamaril sa limang biktima na nakilalang sina Norberto Oden y Cunanan, 63-anyos; Manuelito Bergonio y Gumapac, 35-anyos; Juliet Fernandez, nasa hustong gulang; isang alyas Mel Diezel at isang hindi pa nakikilalang biktima, pawang mga residente ng Bulacan.

Nabatid na si Bergonio ay kasama sa drug watch list at may pending carnapping case, si Fernandez naman ang sinasabing maintainer ng drug den at si Diezel naman ay kabilang sa drug watch list ng PNP/PDEA.

Abante Hiring – IT dep

Ang mga biktima ay natagpuang duguan at wala ng buhay sa isang drug den sa Purok 4, Brgy. San Pedro, San Jose Del Monte, Bulacan bandang alas-sais nang umaga.

Nabatid na isang kapitbahay ang nagsumbong sa pulisya na may naganap na barilan sa kanilang lugar at nang siyasatin ay nakita nang nakabulagta ang limang biktima.

Nakuha sa crime scene ang 10 piraso ng cal. 45 fired cartridge case, 6 na cal. 40 fired cartridges case, 2 cal. 45 live ammunitions, 4 basyo ng bala ng cal. 40 fired bullet at isang malaking plastic sachet na naglalaman ng pitong sachet ng shabu. Dinala ang bangkay ng mga biktima sa Jade Funeral Homes para sa autopsy.

Masusi ngayong nag-iimbestiga ang Bulacan Police at inaalam kung may nakakabit na CCTV monitor na maaaring mapagkunan ng lead sa mga suspek na pumasok sa bahay. (Vick Aquino)