Abante Tonite Interactive

5 entries ni Garcia sa LBC stag series

270

‘Di mapipigilan ng ulan o bagyo ang sagupaan sa “Luzon Breeders Cup (LBC) 9-Stag Derby” series ngayong Biyernes sa Pasay City Cockpit.

Mangunguna si Mandy Garcia ng Batangas at may limang entries, sa 2-stag elims sa pasa­bong na mga handog ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Muntik na sa LBC championship si Garcia nitong 2018, nasilat lang sa huling laban upang tumapos na segunda.

Pasok na sa semifinals sa Aug. 16 ang 17 gamefowl breeders na may dalawang panalo, sa pag-angkla ni James Uy ng Manila, na may isa pang entry (5 points) sa set A group.

Ang ibang two pointers ay sina Jun Lovendino, Jervy Maglunob, Ivan Dy, Nestor Vendivil, Sandy Palito, Alex Bocol/NMC, Anteng Bullecer, Toto Gregore, Pinggoy Lagumbay, Andrew Malabag, Edwin Lumbres, Engr. Nong, Leo Gutierrez, Nelson Uy/Dong Chung, RJ Paras at Dr. Ric Tamboong.

“Puwede pang sumali sa elims round sa Lunes, Aug. 12 sa PCC,” hayag nitong Huwebes ani LGBA (Luzon Gamecock Breeders Association) president Nick Crisostomo.

May mga bibitawan ding LBC fights ngayon sa Cagayan Cockpit Arena at sa Linggo sa Talogtog Cockpit Arena, Darasa Cockpit, Manila Cockers Club at New Gentri Sports Complex. (Enjel Manato)