Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 estudyante, 3 pa nilooban vape shop

0 89

Walong katao ang nadakip ng pulisya makaraang looban ang isang vape shop sa Barangay Iba O Este, Calumpit, Bulacan kamakalawa.

Base sa report ng Calumpit Municipal Police, nakilala ang mga suspek na sina Marvin Logronio, Jojie Ignacio, at Ian Fajardo, at limang menor de edad na estudyante, pawang mga residente ng Barangay Iba O Este, Calumpit.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na pinasok ng walo ang isang vape shop sa nasabing barangay at ninakaw lahat ng laman nito. Agad naiulat ng shop owner ang nakawan kaya nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya at sunod-sunod na nakorner ang mga suspek matapos ibenta ang mga ninakaw na vape item at mga damit mula sa shop.

Ang tatlo ay nahaharap ngayon sa kasong kriminal habang nakatakdang ilipat sa pangangalaga ng DSWD ang mga menor de edad. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.