Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 frontliner bumatak sa EAMC

0 265

Arestado ang limang frontliner makaraang mahulihan ng iligal na droga sa basement ng East Avenue Medical Center (EAMC), sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Emmanuel Leongson, 45, nurse attendant; Guardo Herminio, 41, garbage collector; James Daguian, 47, janitor; Rowel Tina, 27, at Bonifacio Castillo, 37 kapwa morgue attendant ng nasabing ospital.

Dakong alas-10:30 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa basement ng ospital ng mga operatiba sa isinagawang drug-bust. Nakatanggap umano ng impormasyon kaugnay sa pegbebenta at paggamit ng iligal na droga dito at nang magkasa sila operasyon, naaktuhan pa ang dalawa sa mga suspek na nagsasagawa ng shabu session sa loob ng ospital.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000, mga drug paraphernalia, tatlong cellular phones, at buy-bust money. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.