Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 hijacker bulagta sa HPG

0 122

Dead on the spot ang limang lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng hijacking syndicate matapos makipagbarilan umano sa Regional Highway Patrol Group (RHPG)- Cordillera at Tuba Municipal Police Station (TMPS) sa kahabaan ng Taloy Sur, Marcos Highway, Tuba, Benguet kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Police Regional Office-Cordillera spokesperson P/Capt. Marnie Abellanida, bago ang operasyon, nakatanggap ang pulisya ng flash report hinggil sa pag-atake ng nasabing sindikato sa La Trinidad, Benguet kung saan isang wing van truck na may plakang ADH-3116 ang kinana ng mga suspek.

Sa report, bukod sa truck ay na-hijack pa umano ng limang suspek ang isang gray na Sports Utility Vehicle sa nasabing bayan.

“May tinawag kasi na hijacking sa La Trinidad, Benguet nang 1:00 a.m. kaya nai-report sa mga personnel ng PNP at nag-prompt agad sa kanila na hanapin ‘yong mga suspek at truck na ninakaw. 3:00 a.m, nasaktuhan na nasa Marcos Highway na pala sila,” ani Abellanida.

Ayon sa opisyal, dito agad na rumesponde ang pinagsanib na RHPG at TMPS at pinatigil ang grupo.

Imbes na huminto ay pinagbabaril umano ng mga suspek ang mga pulis kaya namaril din ang huli.

Wala namang nasugatan o nasawi sa panig ng mga operatiba.

Narekober mula sa crime scene ang ilang high powered na baril mula umano sa mga suspek.

Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi. (Allan Bergonia/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.