Abante Tonite Interactive

5 kabataang babae na magtatrabaho sa Saudi, hinarang sa NAIA

By
1,134

Bigong makaalis ang limang kabataang babae na nagpatanda diumano sa kanilang mga dokumento para makapagtrabaho sa ibang bansa matapos maharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City kamakalawa.

Base sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente, mga mukhang menor de edad ang limang babae na nagtangkang sumakay sa biyahe patungong Riyadh, Saudi Arabia pero pinigilan ang mga ito.

“This is a clear case of human trafficking invol­ving a syndicate that sends young girls to work abroad by letting them assume the identities of older women through falsification and tampering of travel documents,” ayon sa ulat.

Abante Hiring – IT dep

May hawak umano na valid Overseas Employment Certificate ang limang babae, mga kontrata ng trabaho at working visa.

“They were evasive and gave inconsistent answers when asked about their age and date of birth during secondary inspection,” ayon pa sa ulat.

Hindi ibinunyag ang pangalan ng mga ito para sa kanilang proteksyon at dahil sa ilalim ng batas laban sa human trafficking.