Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 kahon ng marijuana, baril siniksik sa dump truck

0 73

Umaabot sa 55 kilo ng marijuana, na nagkakahalagang P6.6M ang nakumpiska sa isinagawang buy bust noong Huwebes sa Brgy. Tayabo, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni PLtCol. Crizelda de Guzman sa tanggapan ni PColonel Jaime O. Dantos, acting NE provincial director, nakilala ang naaresto na si Erwin Amiling Mariano, 21, tubong Baguio City at pansamantalang nakatira sa Brgy. Samoki Lingkawa, Riverside, Bontoc, Mountain Province.

Sa tulong umano ng iba’t ibang operating units, matagumpay ang inilatag na buy bust at nasamsam ang 5 kahon ng marijuana bricks na lulan ng dump trak na may plakang NOF 271.

May nakumpiska ring isang caliber 22 revolver na may 6 bala, 40 bala para sa caliber 9MM at boodle money na P279,000.

May dalawa umanong kasabwat na kinilalang sina Alyas Ka Sammy Damaso at Ka Jayson ang umano’y nakaiwas sa pag-aresto. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.