Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 katao patay sa QC

0 170

Lima katao ang pinagbabaril at napatay ng mga di-kilalang mga kalalakihan na pawang sakay ng motorsiklo sa magkakahiwalay na lugar sa loob lamang ng siyam na oras sa Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), unang binaril at napatay si Lito Vidania, 62, mekaniko, sa harap ng kaniyang tahanan sa Barangay Holy Spirit, alas-3:30 ng hapon nitong Martes ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.

Makaraan lamang ang 30 minuto, malapitan namang pagbabarilin ang 33-anyos na si Manuel Gonzaga habang nakaupo sa nakaparadang owner type jeep at nanonood sa kaniyang cellphone Brgy. Bagong Silangan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bandang alas-11:05 ng gabi ay pinagbabaril din at napatay ang ikatlong di-pa nakilalang biktima sa Katipunan Avenue, Barangay Loyola Heights.

At makalipas uli ang 30 minuto ay pinagbabaril naman ang ikaapat na biktima na si William Razon, basurero sa Martan St. Brgy. Commonwealth, sa lungsod.

Ang pinakahuling biktima ay si Joel Inocencio, na pinagbabaril din hanggang sa mapatay ng dalawang lalaking sakay ng pulang Toyota Vios.

Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang sunud-sunod na pamamaslang. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.