Abante Tonite Interactive

5 katao pinigil ng PCG sa Mindanao

By
10

Lima katao na pawang nasa early 20’s ang edad na itinuturing na ‘person of interest’ ang pinigil ng mga kasapi ng Philippine Coast Guard (PCG) Northern Mindanao sa Macabalan Pier kamaka­lawa ng gabi.

Ayon kay PCG district commander Col. Leovigildo Panopio, napansin na kaduda-duda ang ikinikilos ng mga suspek matapos mapansin na ala­nganin ang mga ito habang papalapit na sa X-ray machine.

Napag-alaman na nagpakilalang mga Islam missionaries ang mga ito patungong Maynila pero nang utusan na bigkasin ang basic teachings ng religion ay nabigo ang mga ito at natuklasan din na pawan­g peke ang mga ID na ipinakita na ngayon ay nasa kustodiya ng PCG Northern Mindanao Headquarters.