Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 kawani ng PSC may COVID

0 70

Binabantayan ng Philippine Sports Commission (PSC) ngayon ang limang empleyado na nagpositibo sa coronavirus disease (Covid-19) na pinagbasehan sa complete lockdown ng Rizal Memorial Sports Complex Maynila at PhilSports Complex sa Pasig.

Nabatid nitong Biyernes kay PSC Acting Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr. na tatlong babae at dalawang lalaking trabahador nila ang mga nagpositibo noong Martes matapos ang mandatory RT-RT-PCR) test o swab testing na isinagawa sa kanila noong Agosto 5.

“We have to take extra precautionary measures,” ani Iroy, hinirit na hindi pa nila madetermina ang pagkahawa sa sakit ng lima dahil hatid-sundo naman ang mga ito sa pagpasok at pag-uwi. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.