Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 Koreano kalaboso

0 38

Limang South Korean ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa iba’t ibang krimen na kanilang ginawa sa kanilang bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang limang dayuhan ay inaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila at Pampanga ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU).

“They will all be deported for being undesirable aliens, aside from being included in our blacklist and banned from reentering the Philippines,” sabi ni Morente.

Ang mga dayuhan ay mga undocumented at overstaying dahil ang mga pasaporte nila ay kinansela na ng Korean government.

SM food to go Banner Ad

Kinilala ni BI-FSU Chief Rendel Ryan Sy ang naaresto sa Clark Freeport sa Mabalacat, Pampanga na si Kang Ju Hwan, 39, na wanted dahil sa illegal gambling.

Inaresto naman sa Parañaque City si Paek Sanghun, 41, na wanted sa Korea dahil sa telecommunications fraud at naisyuhan siya ng arrest warrant ng Suwon district court sa South Korea dahil sa voice phishing operations. Habang sa Batasan Hills, Quezon City inaresto si Song Jongmin, 40, at Kim Kyungmo, 32, dahil sa kasong pandaraya.

Sa Timog Ave., Quezon City naman inaresto si Yang Minseong, 32, matapos na maisyu sa kanya ang isang arrest warrant dahil sa pagiging kasapi nito sa isang criminal syndicate at economic crimes. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.