Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 magkakaanak nadale sa inorder na seafood

0 262

Naospital ang limang magkakaanak matapos malason sa seafood na kanilang inorder sa isang ihaw-ihaw restaurant sa Sta Cruz, Laguna Lunes ng gabi.

Ginagamot pa sa Laguna Medical Center ang biktimang sina Jaime Onglengco, 22; Renan Onglengco Ortiz Jr, 27; Jeanel Batain Onglengco, 40; Joel Batain Onglengco, 48; at Mary Rose Onglenco Ortiz, 28, pawang taga-Capitol Ville Subdivision, Barangay Gatid.

Sa report ng pulisya, ika-3:00 ng hapon nang umorder ang mga ito ng isang platter ng seafood sa ihaw-ihaw restaurant at pinagsaluhan.

Ilang oras lang ay pawang nakaramdam ng pananakit ng tiyan ang mga biktima at iba pang sintomas ng food poisoning hanggang sa itakbo na ang mga ito sa ospital.

Patuloy pang sinusuri kung ano nakakontamina sa pagkain. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.