Abante Tonite Interactive

5 magsasaka tinarget ng kidlat

427

Patay ang isang magsasaka habang sugatan ang apat nitong kasamahan matapos silang tamaan ng kidlat habang nagtatanim ng palay kamakalawa bago magtanghali sa bayan ng San Miguel sa Leyte.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rexie Purazo, 35, habang kasaluku­yang ginagamot sa Eastern Visayas Medi­cal Center ang mga kasamahan nitong sina Erlinda Solayao, 60, Vilma Antoni, 59, Marylyn Erandio, 42, at Zaldy Antoni, 20, na nagtamo ng mga sugat­ sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:20 bago magtanghali habang nagtatanim ng palay ang mga biktima sa bukid sakop ng Sitio Malipuron, Brgy. Guinciaman ng nasabing bayan.

Nabatid na biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang matatalim na kidlat subalit imbes na sumilong ay ipinagpatuloy pa nila ang pagtatanim ng palay hanggang isang matalim na kidlat ang tumama sa kanilang direksyon dahilan upang masapul ang mga ito. (Edwin Balasa)