Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 mangingisda na nangunguryente, nilambat

0 44

Huli sa akto ng iligal na pangingisda ang limang lalaki na gumamit ng pangungureyente sa Padsan River, Barangay Valdez, Marcos, Ilocos Norte noong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga ito na sina Joseph Navarro, 49; Eric Buena, 38; Jonathan Rubuelto, 40; Joe Villanueva, 50 at Roque Salenda, 84, pawang mga taga-Brgy. Lydya.

Ayon sa Marcos Police, nakatanggap umano sila ng impormasyon mula sa concerned citizen malapit na may limang lalaki na nangingisda sa nasabing ilog na gamit ang kani-kanilang electro-fishing na kagamitan.

Nang respondehan, dinatnan ang mga suspek sa aktong nangunguryente ng isda.

Nakumpiska mula sa mga ito ang mga ilang electric devise na gamit sa pangingisda, battery at mga iba pang fishing material. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.