Abante Tonite Interactive

5 metabolism-boosting foods

By
485

Mabagal ba ang iyong metabolismo kaya nakakaramdam na madali kang tumaba? Subukan n’yo itong mga pagkain na mabilis mag-burn ng body fat batay na rin sa mga health expert.

1. Sili – Taglay nito ang capsaicin na kilala bilang appetite suppressant. Ang capsaicin ay tumutulong para i-convert ang white cells (nag-i-store ng taba) para maging brown cells (nagbu-burn ng taba). Batay sa isinagawang mga pag-aaral, ang pagkain ng spicy foods ay nakakataas ng heart rate na ang resulta ay nagbibigay ng boost sa ating metabolism.

2. Green Tea – Ang green tea ay calorie-free. Taglay nito ang antioxidant na tinatawag na EGCG na nagbu-boost ng meta­bolism. Sa lahat umano ng uri ng green tea ay ang matcha ay may pinakamaraming antioxidant.

3. Isda – Alam na nating lahat na ang isda ay may Omega-3 fatty acids, ngunit ano nga ba ang naitutulong ng Omega-3? Ito ay maganda sa ating buhok, balat, kuko at tumutulong din ito para i-regulate ang ating appetite at palakasin ang metabolism dahil ang pagkain ng Omega 3 ay nagpo-produce ng leptin, isang protein hormone.

4. Dairy – Kilala ang mga dairy product na metabolism boosters dahil mayroon itong protein at calcium. Tumutulong ito na maging intact ang ating ­muscle kaya nagkakaroon ng weight loss. Limita­han naman ang pagkain ng keso at gatas dahil mataas ito sa fat at calories.

5. Grapefruit – Taglay ng grapefruit ang naringin na tumutulong sa pagbaba ng blood sugar kaya nakatutulong ito sa weight loss.

Sa isinagawang pag-aaral, lumalabas na ang isang obese na tao, kapag regular na kakain ng kalahating grapefruit bago ang kanyang meal ay mas mabilis na papayat kumpara sa mga obese na hindi ito isasama sa kanilang meal.