Abante Tonite Interactive

5 Metrobank robber galamay ng Parojinog group

567

Hinubaran na kahapon ng maskara ng Manila Police District (MPD) ang limang suspek sa naganap na bank robbery sa may Sto. Kristo branch sa Binondo, Maynila na pawang miyembro umano ng ‘Parojinog group’.

Sa ginanap na media briefing sa Manila City Hall, ipinakita ni MPD Director PBGen. Vicente Danao Jr., at Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso, ang limang Person of Interest ng pulisya sa naganap na bank robbery noong Hulyo 11 ng alas-8:43 nang umaga.

Sa imbestigasyon, base na rin sa testimoya ng mga saksi, sinabi ni Danao na konektado umano sa Parojinog group sa Ozamiz ang lima-kataong itinutu­ring ng pulisya na mga person of interest sa kaso ng panghoholdap sa bangko.

Abante Hiring – IT dep

Kabilang umano sa mga ito sina Gilcar Domagan Mofan, alyas ‘Jing Mofan,’ at Marlon ‘Ailon’ Parojinog, na kapwa itinuturing umanong mga lider ng grupo at may nakabinbing warrant of arrest sa kasong murder.

Itinuturing din naman na mga person of interest sina Noli Bonifacio Casuela, alyas ‘Lito Dapitan,’ Michael ‘Batang’ ‘Pilay’ Calunod, at Frederex Secretario.

Samantala, muli namang nag-alok si Mayor Isko ng P1 milyong pabuya sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga naturang person of interest.

Umaasa ang alkalde na agarang madarakip ang mga sangkot sa holdapan at makikipagtulungan ang pamunuan ng Metrobank para sa agarang paglutas ng insidente. (Juliet de Loza-Cudia/Mina Aquino)