Abante Tonite Interactive

5 minutong biyaheng Cubao-Makati, malaking sakripisyo — MMDA

356

Malaking sakripisyo umano ang kailangang gawin upang tuluyang mai-patupad o matugunan ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte na gawin­g limang minuto lamang ang ‘travel time’ mula Cubao sa Quezon City hanggang Makati City, ayon sa pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Edsa Traffic Manager Col. Bong Nebrija, kapag pabibilisin ang biyahe mula Cubao hanggang Makati, ay mapipilitan silang patakbuhin ng hanggang 155-kilometero kada oras ang mga sasakyang dadaan ng EDSA.

Gayunman, masusing pinag-aaralan pa rin ng pamunuan ng MMDA ang pahayag ng pangulo, kasama ang ilan pang ahensya na kabilang sa binuong inter-agency task force na inaasahang tutugon sa problema ng trapiko.

Nabatid na 12.8 kilometro ang layo mula Cubao hanggang Makati City at kung sakaling walang trapik sa EDSA ay aabutin pa rin ng 10 minuto ang travel time sa itinakdang speed limit ng MMDA na 60 kph. (Dolly Cabreza)