Abante Tonite Interactive

5 minutong Cubao-Makati ‘di natupad ni Duterte

0 460

Sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa kabiguang makamit ang maginhawang biyahe ng motorista sa kahabaan ng EDSA.

Hindi natupad ang naipangako ng Pangulo noong Hunyo na magiging limang minuto na lamang ang biyahe mula Cubao sa Quezon City hanggang Makati City pagsapit ng Disyembre dahil hindi aniya naipasa ng Kongreso ang budget sa takdang panahon.

Ito aniya ang dahilan kaya naantala ang mga proyekto dahil walang magamit na pondo ang gobyerno.

Because Congress did not pass the budget on time. So apektado lahat. Bibilhin mo ‘yan eh. When there is no public spending your economy will slow down. They did not pass it on time so paano ako… walang pera,” anang Pangulo.

Dahil wala aniyang perang magamit, naapektuhan ang lahat ng proyekto kayat inposibleng matapos ang mga ito ngayong taon.

Dahil dito, nakiusap si Pangulong Duterte sa mga mambabatas na sana ay maipasa ngayong Disyembre ang 2020 national budget para magtuloy-tuloy ang mga nakalinyang project para sa susunod na taon.

“Ngayon we are waiting, wala pa eh so we have to pass that. December sana kung maari. Congress paki naman para hindi ako mapupu…” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)