Abante Tonite Interactive

5 miyembro ng pamilya dinakma sa Marikina buy-bust

228

Kulungan ang bagsak ng limang magkakaanak matapos malag­lag sa ikinasang drug buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Fortune, Marikina City, Linggo nang madaling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Romeo Villanueva, 49; Philip Villanueva, 24; Anjo Flores, 31; Randy Villanueva, 33; at Benny Villanueva, 21.

Kinasa ang operas­yon dakong alas-12:30 nang madaling-araw makaraang makatanggap ng tip ang mga pulisya kaugnay sa bentahan ng shabu ng mga magkakamag-anak na kilalang talamak na tulak ng droga.

Abante Hiring – IT dep

Makaraang makabili ng shabu ang undercover police sa mga suspek ay agad itong pinagdadampot. Nakumpiska sa mga ito ang apat na sachet na naglalaman ng shabu, P500 pesos na ginamit bilang buy-bust money at P730 recovered money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina PNP detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Vick Aquino)