Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 money changer sa Makati sinara ng BSP

0 185

Diniskuwalipika ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang limang money changer sa Poblacion, Makati at na-blacklist ang mga may-ari nito para hindi na makakuha pa ng lisensiya sa BSP para sa anumang negosyo na ang BSP ang nagpapastol.

Ang limang money changer ay: Sam Money Changer na pag-aari ni Sarwa Jalad; Tasneem Foreign Exchange Services ni Nizzan Fontelera; Zhamme FX Service ni Fah’d Aynin; Junaidi Money Exchange Services ni Gowa Mohammad; at ang Marygin FX Services ni Jamier Yahiya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng BSP, ang lima ay natuklasang nagnenegosyo nang hindi nagrerehistro sa kanila na labag sa patakaran. Dahil hindi ito nakarehistro, hindi rin nauulat ang mga transaksiyon nito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.