Abante Tonite Interactive

5 nabagsakan ng natibag na bakod

280

Lima katao ang suga­tan nang mabagsakan ang mga ito ng yero matapos gumuho ang bakod ng isang construction site malapit sa riles ng tren sa Taguig City kahapon.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital ang sugatang sina Talagtag Pilinon, Ernesto Temosa, at Raymond Abenoja. Ginagamot naman sa South Super Highway Hospital ang mag-asawang Glenn at Evelyn Solares, pawang nasa hustong gulang at naninirahan sa gilid ng tren sa may Bicutan Interchange Brgy. San Martin De Porres ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Brgy. San Martin De Porres Executive Officer Domingo Obligar, naganap ang insidente alas-sais nang umaga sa RGM cons­truction site, malapit sa gilid ng riles ng tren sa nabanggit na lugar.

Nabatid na lumambot ang lupa dahilan upang gumuho ang bakod at nabagsakan ng mga yero ang mga biktima.

Nagsasagawa pa ngayon ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente. (Armida Rico)