Abante Tonite Interactive

5 narco-cop sinibak ni Albayalde

By
0 963

Limang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang sinibak sa tungkulin dahil sa pagkakasangkot umano sa kalakaran ng iligal na droga.

Inihayag kahapon ni PNP Director General Oscar Albayalde na magkakasabay niyang sinibak sa puwesto sina Sr. Supt.
Eduardo Paderon Acierto, na dating officer-in-charge ng PNP Anti-Illegal Drugs Group; Sr. Supt. Leonardo Ramos Suan; Supt. Lorenzo Cusay Bacia; Inspector Lito Torres Pirote at Inspector Conrado Hernandez Caragdag.

Isinailalim din sa restrictive custody ng Camp Crame ang mga naturang opisyal matapos na pa­ngalanan sila ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa matrix ng mga narco-cop.

Abante Hiring – IT dep

Dinis-armahan naman ang isang SPO4 Alejandro Liwanag na nasa ilalim umano ng grupo ni Acierto.

Matatandaang binuwag ng pangulo ang PNP Anti-Illegal Drugs Group matapos madawit ang ilang mga pulis sa pagpatay sa negosyanteng Korean national na si Jee Ick Joo sa loob ng Camp Crame.

Ayon pa kay Alba­yalde, inirekomenda na rin niya na isailalim sa lifestyle check ang mga nasabing opisyal dahil sa kuwestyunable ang kanilang biglang pagyaman.

Bukod sa mga na­banggit na opisyal, tinukoy din ni Pangulong Duterte ang dating de­puty director ng Philippine Drug Enforcement Agency­ sa National Capital Region na si Ismael Fajardo na kilala umano sa drug community­ bilang scorer at recycler ng shabu.

Si Fajardo umano ang mastermind sa paggawa ng mga pekeng drug raid sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang pagkakaaresto kay Lt. Colonel Ferdinand Marcelino sa Maynila noong 2016.