Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 nasabugan ng transformer

0 81

Patay ang isang welder habang apat na iba pa ang sugatan kabilang ang dalawang inhinyero matapos sumabog ang nire-repair nilang transformer sa bagong gawang ospital, Linggo ng hapon sa Zamboanga City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Toto Rodrigo, nasa hustong gulang, taga-Barangay San Roque.

Sugatan naman ang apat na iba pa na sina Engineer Jose Enriquez Bartolome, 24; Engr. Archie Hiya, 23; Santiago Conde, 40, foreman, at Samson Antohado Etteng, 49, welder. Ang lima ay pawang empleyado ng JS Engineering Contractors.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Police Major Shellamie Chang, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente alas-2:35 ng hapon nitong Linggo habang inaayos ng mga biktima ang 3 phase transformer ng bagong gawang Ace Medical Center sa Alfaro St., Barangay Tetuan ng nasabing lungsod.

Sa kalagitnaan ng pagkukumpuni ay bigla na lang sumabog ang transformer, nadale ang limang biktima at napuruhan si Rodrigo.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naganap na insidente. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.