Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 NPA bulagta sa Rizal shootout

0 159

Patay ang limang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkwentro sa awtoridad sa Baras, Rizal kahapon.

Alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang engkuwentro sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan at militar sa Sitio Malalim, Brgy. San Juan.

Kinilala ang mga napatay na si alyas ‘Ka Sandra/Minda’, med officer at asawa ng secretary general na si alyas ‘Luis’; ‘Ka Onli/Rusi/Ustad’, intel officer; at tatlong iba pa na inaalam ang pagkakakilanlan.

Nagsagawa ng joint operation ang pulisya at militar upang isilbi ang warrant of arrest sa NPA lider na si alyas ‘Dads’, head finance staff at execom member ng SRMA 4-A sa mga kasong frustrated murder sa nasabing lugar.

Subalit hindi pa umano nakakalapit sa target na bahay ang awtoridad ay pinaulanan na sila ng bala ng grupo ng mga rebelde dahilan upang gumanti ng putok ang mga ito.

Makalipas ang ilang minutong palitan ng putok ay napatay na ang limang NPA.

Nakuha sa mga ito ang 2 M16 rifle, 1 kalibre .45 baril; 1 uzi sub machine gun, 1 kalibre .38 at mga bala ng nasabing mga baril, gayundin ang mga subersibong dokumento ng samahan. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.