Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5-on-5 hinirit na ni Marcial

0 66

Positibo si Willie Marcial na malapit na ring mabigyan ng go-signal ang PBA para makapag-five-on-five scrimmages ang teams.

Ngayon ay wala pang full contact, workout pa lang ang ginagawa ng 12 teams sapul nitong huling lingo ng Agosto.

Kelan lang ay sumulat muli ang pro league commissioner sa IATF para mag-request na makapag-scrimmage na ang teams. Bago matapos ang buwan, isusunod niya ang letter-request para ilarga na ang mga laro.

Oct. 9 ang target ng PBA na makabalik ang Philippine Cup na tinigil noong March 11 dahil sa coronavirus. December hanggang January ang inaasahang tapos ng torneo.

“Kapag pinayagan tayo ng IATF sa scrimmages, susunod na ‘yung another letter para makalaro na tayo next month,” anang opisyal.

Balak ng PBA na magtayo ng NBA-style bubble na paglalaruan. Hindi bababa sa 10 ang naghayag ng kahandaang i-host ang bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.