Abante Tonite Interactive

5 online courier tatalupan sa modus

350

Pormal na hiniling ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa Kamara na imbestigahan ang mga colorum na online at app-based courier service dahil sa umano’y mga ulat na ginagamit ito ng ilang masasamang loob para sa kanilang mga iligal na modus.

Inihain nitong Lunes ni Atienza ang House Resolution No. 481 na naglalayon silipin ang mga naglitawang hindi rehistradong online courier service at magkaroon ng sapat ng panuntunan at regulasyon ang multi-bilyong pisong industriya para na rin mabigyang proteksyon ang mga tumatangkilik sa nasabing serbisyo.

Ayon kay Atienza, nakatanggap umano siya ng mga sumbong na hindi bababa sa limang online courier services na nag nenegosyo sa bansa ay hindi kuwalipikado o walang sapat na dokumento at permit sa mga awtoridad.

Isa umanong halimbawa ayon kay Atienza ay ang J&T Express na bagama’t rehistrado na sa Department of Trade and Industry ay wala naman kaukulang pahin­tulot mula sa Department of Information and Communications Technology. ( JC cahinhinan)