Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 pang dam nagpakawala ng tubig

0 211

Bukod sa Magat dam, ilang malalaking dam sa Luzon na rin ang nagpakawala ng tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel nito sa mga nakaraang araw.

Nabatid na kabilang sa mga nagpakawala ng tubig ang Angat Dam, La Mesa Dam, Binga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam, ayon sa PAGASA.

Nauna nang nagpakawala at nagbukas ng 2-metro sa isa sa mga gate nito ang Magat dam dahil sa mataas na lebel ng tubig.

Kasabay nito’y nagpaalala ang PAGASA sa posibleng pagbaha sa pagbabawas ng nabanggit na mga dam sa antas ng kanilang tubig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.