Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 pang lugar na inayudahan ng QC konsehal ni-lockdown

0 263

Isinailalim sa istriktong lockdown ang lima pang lugar na apektado sa pamamahagi ng ayuda ang dating basketbolista at ngayo’y konsehal sa ikatlong distrito ng Quezon City nitong nakaraang buwan.

Maliban sa naunang ini-lockdown na Lagoon Street, isinama na rin ang mga kalye ng Ipil, Pook dela Paz, Pook dela Paz (baba), Pook dela Paz (taas) at ang apat na bahay sa Liwanag Street, sa Barangay Matandang Balara sa lungsod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito ay nagpasaklolo na si Barangay Matandang Balara chairman Allan Franza sa QC LGU dahil sa mabilis na paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar dahil umano sa ‘superspreader event’ na paayuda ng konsehal.

Isinisi ni Franza sa nangyaring ‘mass gathering’ na paayuda ni Pumaren ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa kanilang barangay. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.