Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 pang ruta sa probinsya binuksan na

0 80

Pinayagan na simula ngayon, Disyembre 24, ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyahe sa kanilang mga ruta ang karagdagang 440 provincial bus.

Kabilang sa puwede nang umarangkada, base na rin sa nilagdaan ng LTFRB na memorandum circular ang mga ruta sa Baguio City – Mariveles, Bataan; Baguio City – Olongapo, Zambales; North Luzon Expressway – Baguio City; North Luzon Expressway – Laoag City, Ilocos Norte; at North Luzon Expressway – Pagudpud, Ilocos Norte.

Sinabi ng LTFRB na mag-iisyu sila ng Quick Response code o QR code sa operator ng mga provincial bus at kanila itong ipapaskil sa loob ng mga pampasaherong bus. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.