Abante Tonite Interactive

5 paslit dinonselya ng karpintero

0 1,038

Kalaboso ang 54-anyos na karpinteryo na nangmolestiya ng limang paslit na babae na may edad tatlo hanggang pitong taong gulang, sa Sitio Puro La Purisima, Bara-as, Barangay Tubod, Iligan City noong Miyerkoles.

Kinilala ni Iligan City Police Station 4 commander Police Maj. Abogad
o Mautin Jr., ang suspek na si Eric Castillon, may asawa, ng naturang barangay.

Ayon kay Mautin, nakipag-inuman ang suspek sa kanyang mga kaibigan at noong malasing, tinawag ang limang biktima na naglalaro malapit sa kanilang inuman.

Sinabi ng hepe ng pulis, kuwento ng mga biktima, binigyan sila ng tig-P20 ng suspek at saka kinandong at pinaghahawakan sa maseselang bahagi ng katawan.

Ayon pa sa testimonya ng mga bata, ipinasok umano ni Castillon ang kamay nito sa ari ng kanyang mga biktima.

Nagsumbong naman sa kani-kanilang magulang ang mga biktima kaya naaresto si Castillon, na todo tanggi naman sa paratang laban sa kanya.

Ngunit base sa medical examination sa mga bata, tatlo sa kanila ang positibong napagsamantalahan.

Kinasuhan na ng pangga­gahasa ang suspek. (Allan ­Bergonia)