Abante Tonite Interactive

5 PNPA sabit sa ‘hazing’

0 146

Hawak na ng Silang, Cavite Municipal Police Station ang kopya ng re­klamo ni Cadet 4th Class John Desiderio, ang ­plebo ng Philippine National Police Academy (PNPA) na nakaranas umano ng pangmamaltrato laban sa kanyang mga upperclassman sa nabatid na akademya.

Ayon kay PNPA Spokesman P/LtC. Byron Allatog, aabot sa limang kadete ang itinuturo ni Desiderio na nasa likod ng pananakit sa kaniya kung saan, dalawa sa mga ito ang natukoy na.

Dagdag pa ni Allatog na binibigyan niya ng 24 na oras ang dalawang natukoy na kadete na mag­hain ng kanilang kontra salaysay at paliwanag bago tuluyang isampa ang kasong ­administratibo ­laban sa kanila
Kasalukuyan nang nasa isolation ang mga sangkot na kadete. ­(Edwin Balasa)