Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 pulis sibak sa Ragos slay

0 65

Iniutos ng National Police Commission (Na­polcom) ang pagtanggal sa serbisyo ng isang pulis at apat na trainee kaug­nay sa pagpaslang sa reti­radong Army soldier na si Winston Ragos sa Quezon City noong Abril 2020.

Napatunayan ng Na­polcom na sina Master Sergeant Daniel Florendo Jr.; Patrolmen Dalejes Gaciles, Arnel Fontillas at Dante Fronda; at Patrol­woman Joy Flaviano ay pawang guilty sa kasong grave misconduct.

“The commission finds all respondents cul­pable of three counts of grave misconduct and meted with the penalty of dismissal from the service,” ayon kay Napolcom vice chairman Vitaliano Aguirre.

Hindi naman idinetalye ni Aguirre ang mga ebidensya na nagpatunay na may pananagutan ang mga pulis sa pagpaslang kay Ragos.

Nabatid na ang nanay ni Ragos na si Merlyn ang nagsampa ng reklamong administratibo laban sa mga pulis.

Magugunita na si Ra­gos, na may post-traumatic stress disorder, ay dala­wang beses binaril ni Flo­rendo sa quarantine check­point sa Brgy. Pasong Putik noong Abril 21, 2020.

Nabatid na binaril ni Florendo si Ragos nang akmang may bubunutin sa kanyang bag.

Una nang giniit ng pu­lisya na may handgun na natagpuan sa bag ni Ragos pero sinabi ng pamilya at ng National Bureau of Investigation na tinanim ang baril. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.