5 rapid test kit aprub sa FDA

359

Nasa 17 na ang test kit na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) para magamit sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos aprubahan ang lima pang uri ng pang-detect ng virus kahapon.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang limang inaprubahan ay mga point-of-care test kit na nakarehistro at gamit din sa China at Singapore

“We approve kits that are registered and used in countries with advanced technology and wide experience with COVID 19. We want the people to have access to testing but of course, proper evaluation and safeguards will still be in place,” ani ni Domingo.

Kabilang sa inaprubahan ay ang SARS Cov2 kit Gene Xpert na kaya umanong maka-detect ng virus sa loob lamang ng limang minuto.

Sa kabuuan, nasa 17 na ang COVID-19 test kit na inaprubahan ng FDA para sa commercial use.

Mahigpit namang bilin ng FDA na kailangang may nakasaad sa label ng mga nasabing produkto na “strictly for medical professional use only” hindi ito puwede para sa personal na gamit lamang.

Kailangan din na ang gagamit nito ay mga trained health professional at kinakailangan magkaroon ng confirmatory testing.

Ayon kay Domingo, mas mapapabilis ang resulta ng testing sa pamamagitan ng mga rapid test kit kaysa PCR-based kit. (Armida Rico/Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...