Abante Tonite Interactive

5-Stag Derby sa Las Piñas Coliseum

317

Apat na linggo na lang ang hinihintay para sa “30th “LPC Anniversary 5-Stag Derby” ng Las Piñas Coliseum sa Sept. 10, 12 at 15.

Dahil sa mada­ling 5-stag format (guaranteed prize na P850,000 at entry fee na P11,000), mas maraming smalltime cocker ang makakasali sa tatlong araw na paderbi ni Mayor Nene Aguilar.

Bitaw ang elimination rounds (2-stag) sa Sept. 10 at 12 habang ang 3-stag finals ay sa Sept. 15.

Ang prem­yo: champion/s, P500,000; any four points, P280,000; handler, P50,000 at gaffer, P20,000.

Mga locally-banded stags ng International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) at Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB, Inc.-Digmaan).

Pinagbigyan ng LPC ang “BNTV 9-Stag Derby” finals sa Aug. 29 na maging unang stagfest ng sabungan dahil sa inaasahang 120 sultada nito.

“Participants mostly from Cavite with 2, 2.5, 3, 3.5 and 4 points will compete,” ani host Joey Sy. (Enjel Manato)