Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 supplier ng shabu kalaboso

0 260

Arestado ang limang lalaking kinabibilangan ng 2 tricycle driver na supplier ng iligal na droga sa mga ‘sistemador’ sa buy-bust operation ng Manila Police District-Station 3 kamakalawa sa Maynila.

Isasailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosectors’ Office sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na kinilalang sina Akiro Badjo alyas “Badiong”, 22, tricycle driver; Lasarito Antolin alyas “Tootsie”, 47; Lilibeth Salgado alyas “Beth”; Alfredo Baysa “Kaplog”, 27 at Rodrigo Rodolfo Jack Versoza, 23, tricycle driver.

Ayon kay PLt. Colonel John Guiagui, station commander ng MPD-PS5, alas-11:30 ng gabi nitong Biyernes nang isagawa ang operasyon sa Herrera St. corner Kusang Loob St. Brgy. 353, Sta. Cruz.

Narekober sa mga auspek ang 40 gramo ng shabu na may street value na P272,000.00 at buy-bust money. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.