Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 surfer kumakasa sa Day 1

0 183

Hindi nagpahuli ang anim katao Philippine surfer sa unang araw ng labanan sa nine-day 2021 ISA World Surfing Games na isang Olympic Qualifying Tournament sa EL Sunza, El Salvador.

Agad nakaiwas na mapunta sa repechage sina John Mark Tokong, at Edito Alcala Jr. sa kalalakihan, at sina Daisy Valdez, Nilbie Blancada at Vea Estrellado sa kababaihan pagtipon ng matataas na puntos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Highest individual scorer si Blancada nang manguna sa Round 1 Heat 12 12.30 points sa kompetisyon binuksan nitong May 29 at aabutin ng June 6 kung saan ang top five men at top seven women ang mga susulong sa 2020 Tokyo Olympics sa July.

Pumangala naman si Valdez sa R1 H24 sa 4.73 markers kung saan kinailangan ang 14:40 para makausad. Pumangatlo si Estrallado sa R1 H5 sa 8.2. Ikalawa sa R1 H16 si Tokong sa 11.9, at ikalawa rin si Alcala sa R1 H2 sa 8.84. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.