Abante Tonite
Mabilis sa Balita

5 suspek sa batang tinamaan ng ligaw na bala

0 76

Limang kapitbahay ang maituturing na person of interest sa pagkamatay ng 12-anyos na batang babae na tinamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Barangay Poblacion sa bayan ng Sapad, Lanao Del Norte.

Ayon kay Police Lt. Eric Palanas, hepe ng Sapad Municipal Police Station (MPS), nitong Sabado ay isinailalim na sa parrafin at ballistic test ang lima katao upang malaman kung sino sa kanila ang nagpaputok ng baril dakong alas-12:00 ng hatinggabi nitong Enero 1 habang sinasalubong ang Bagong Taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nilinaw naman ni Palanas na hindi pa suspek ang nasabing personalidad na hindi muna pinangalanan.

Matatandaang ang biktimang si Suzette Manamparan, 12, ay bigla na lang natumba habang nakikipaglaro sa kanyang pinsan sa harapan ng kanilang bahay habang sinasalubong ang bagong taon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.